Malaki ang naitutulong sa atin ng Teknikal at Bokasyonal sa pang araw - araw. Ano nga ba ang salitang Teknikal at Bokasyonal? Ayon sa natutuhan ko ang Teknikal ay may kinalaman sa iyong mga kahusayan sa mga gawain/trabaho o sa ingles ay "skills", ang Bokasyonal naman ay ang kurso/track na iyong pinili. Ang kaugnayan ng Teknikal at Bokasyonal naman ay katulad ng pagpili ng kurso/track, ito ay dapat binabase sa sarili mong kakayahan at sariling kahusayan.
Ang Teknikal - Bokasyonal ay malaki ang naitutulong sa Edukasyon, pagpili ng Trabaho, at sa Pagnenegosyo. Nakakatulong ito sa Edukasyon dahil dito mas pinapalawak ang mga kakayahan mo sa paggawa na maaaring magamit sa paghahanap ng Trabaho at sa Pagnenegosyo. Ang Teknikal - Bokasyonal ay may kaugnayan sa mga trabahong may kinalaman sa paggawa tulad ng mga pagluluto, paghahabi, pag - eencode ng mga programa sa kompyuter, atbp.
Paano ito makakatulong pagdating sa katayuang pinansiyal?
ReplyDelete